Tuesday, February 6, 2007

jokes...

lang mapost...haha...lang magawang matino...receive this in a mail.....bka nabasa nyo na...ung iba corny pero oh well......smile!

A lizard fell on a table.
Genius: Oh! reptila scincidae;
Kikay: Eew, lizard!;
Astig: Shit, butiki!;
Mataray: Shucks, butiks!;
Mahirap: Pare, ulam!


Pedro: Saan ka galing, p're?
Berto: Sementeryo, libing ng byenan ko.
Pedro: Bakit puro kalmot ang mukha at braso mo?
Berto: Mahirap ilibing eh, lumalaban!

Bakit "S" ang nasa costume ni Superman?
Wala na kasing medium! Napansin mo, fit masyado, di ba?


Nanay: Hala, sige, layas! Huwag ka nang bumalik dito sa bahay! Simula
ngayon, huwag mo na akong tawaging nanay at hindi na rin kita tatawaging
anak, naintindihan mo?
Anak: Sige dude, alis na ako.

Ice cream ba talaga yung inendorse in Pacquiao sa TV ad nya na Nestle
Ice Cream? Akala ko kasi, softdrinks.
Kasi, sabi nya, "Oh mga bata, Mirinda na!"

Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang
takip ang ulam namin, hindi kinakain!
Juan: Maniwala ako?!
Pedro: Totoo!
Juan: Ano ba ang ulam nyo?
Pedro: Asin!

Boy Guwapo + Girl Ganda = Perfect Couple.
Boy Guwapo + Girl Panget = True Love.
Boy Panget + Girl Ganda = Galing Diskarte.
Boy Panget + Girl Panget = SUKOB!


Sa prusisyon.
Pari: Ang mga boys, sunod sa karo ni San Jose , mga girls, sa karo ni
Mama Mary.
Bakla: Kami father, saan kami susunod?
Pari: Mga bruha! Follow me!

Donya: Bilang bagong katulong, tandaan mo na ang almusal dito ay alasais
empunto!
Maid: walang problema donya. Kung tulog pa ako sa oras na yun, mauna na
kayong mag almusal!

Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang
walang parachute!
Leo: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?
Pedro: Dun sa burol nya!

Anak: Inay, ang galing ng titser ko.
Inay: Bakit naman?
Anak: Tinuruan kami ng kagandahang asal.
Nanay: Eh di marunong ka nang gumalang at magpo at opo?
Anak: Natural! Tanga ka ba?

Titser : Use "Bampira" in a sentence! Ahmm, Dodong.
Dodong : Pautang naman, meron ka bampira?!

TUKMOL: Sino sa inyo ang matapang? Lumabas!
SIGA: Ako, matapang ako, bakit may problema ka?
TUKMOL: Wala po, survey lang ho. Ngayon, yung duwag naman ang lumabas!

Anak: Ma, hingi sana ako ng P50.
Nanay: P40? Ang laki naman ng P30! Anong gagawin mo sa P20? Akala mo
madaling kumita ng P10? O, eto P5.

Boy1: Bakit mo ako sinuntok?
Boy2: Tinawag mo akong hipopotamus!
Boy1: Last year pa yon! Tarantado!
Boy2: Eh kanina ko lang nakita picture ng hippopotamus, bobo!


Alam kong sa tingin mo, masaya ako! Pero bakit kayo ganyan?! Sa tuwing
wala na kayong masabi, ako na lang ang ginagamit nyo! Pagod na pagod na
ako sa pagngiti! - smiley.

Grabe! Biruin mo, 15,000 pesos daw, hot oil lang! 150,000 pesos ang
rebonding! Sobra naman yang David's Salon na yan! - Rapunzel.

Hindi makapagtimpla ng juice si Inday. Tahimik lang syang nakatitig sa
bote ng juice. Dahil nakasulat: Concentrate.

-kjc07-ate at
7:02 PM